Pumunta sa nilalaman

F. Sionil José

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
F. Sionil José
Kapanganakan
Francisco Sionil José

3 Disyembre 1924
Kamatayan6 Enero 2022
NasyonalidadPilipino
LaranganPanitikan
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Panitikan
2001

Si F. Sionil José o Francisco "Franky" Sionil José[1], 3 Disyembre 1924 - 6 Enero 2022), ay isa mga pinakabantog na mga Pilipinong manunulat sa wikang Ingles.[1] Nagpapakita ang kaniyang mga nobela at maikling-kuwento ng mga sitwasyon at pakikibakang panlipunan at maging ng kolonyalismo sa Pilipinas. Naisalin ang mga gawa ni José sa 22 mga wika.[2][3][4][5]

Si F. Sionil José ay isang Ilokanong ipinanganak sa Rosales, Pangasinan, na tagpuan sa karamihan ng kaniyang mga kuwento. Lumaki siya sa Baryo Cabugawan ng Rosales, ang bayan kung saan siya nagsimulang magsulat. Upang makatakas sa kahirapan, naglakbay ang kaniyang mga ninuno mula sa Ilokos patungo sa Lambak ng Cagayan sa pamamagitan ng daan ng Santa Fe. Katulad ng ibang mga pamilyang peregrino, dinala nila ang kanilang mga mahahalagang kagamitan, kasama ang mga haliging mulawin ng kanilang mga lumang bahay at ang kanilang alsong, isang dikdikan ng mga bigas.[2][3][4][5]

“"Tinanong mo ako kung bakit ako nagsusulat. Marami sa aming mga mamamayan ang hindi nauunawaan kung ano tunay na halaga ng mga sining. Iniisip nila na ang mga manunulat ay nagbibigay libang lamang. Subalit ang ginagawa ng mga manunulat ay ang lumikha ng balangkas na pangkalinangan ng isang bansa. Ibig kong mamuhay muli sa aming kasaysayan. Ibig kong bigyan ng alaala ang aming mga mamamayan. Ang baryo ang aking kinagawian. Ang maliit na bayan ang aking kinagawian. Sa maraming mga pamamaraan, hindi ko talaga tunay na nilisan ang Baryo Kabugawan."- F. Sionil José, Global Nation, Inquirer.net, 25 Abril 2007 (isinalin ang siping ito mula sa orihinal na nasa wikang Ingles)[4][6]

Isa sa pinakamahalagang impluho kay José ang kaniyang ina, na ginawa ang lahat upang mabigyan si José ng mga paborito niyang aklat, habang sinisiguradong hindi magugutom ang kaniyang pamilya bagaman nagdaranas ng kahirapan at kawalan ng aring-lupa. Nagsimulang magsulat si José noong nag-aaral siya sa elementarya, kung kailan nagsimula siyang magbasa. Sa ikalimang grado, binuksan ng isa sa mga guro ni José ang silid-aklatan para sa mga mag-aaral, na naging dahil kung bakit nabasa ni José ang mga nobela ni Jose Rizal, ang My Antonia (Aking Antonia) ni Willa Cather, mga gawa nina Faulkner at Steinbeck. Napaluha si José nang mabasa niya ang kuwento tungkol kina Basilio at Crispin sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal, sapagkat hindi nakikilala ni José ang kawalan ng katarungan. Noong limang taong gulang na si José, umiiyak na ipinakita sa kaniya ng isang lolong naging sundalo noong kapanuhan ng pagaalsang Pilipino ang lupang dating sinasaka ng kanilang pamilya subalit kinamkam ng mga mayayamang mestisong may-lupa, na nakaaalam kung paano gamitin ang sistema laban sa mga hindi nakapag-aral at mangmang, katulad ng lolo ni José.[2][3][4][5]

Buhay bilang manunulat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nag-aral si José sa Pamantasan ng Santo Tomas, ngunit hindi nagpatuloy at piniling magsulat at maging mamahayag sa peryodiko sa Maynila. Sa sumunod na mga taon, naging patnugot siya ng sari-saring mga palimbagang pampanitikan at pampahayagan, nagsimula siyang magtayo ng isang bahay-palimbagan, at itinatag niya ang sangang pang-Pilipinas ng PEN, isang organisasyong pandaigdigan ng mga manunulat. Tumanggap si José ng maraming mga premyo para sa kaniyang mga gawa. Ang The Pretenders (Ang mga Mapagbalatkayo) ang kaniyang pinakatanyag na nobela, na tungkol sa pagkaasiwa ng isang lalaki dahil sa kaniyang pinanggalingang kahirapan at sa karangyaan sa buhay ng mayamang pamilya ng kaniyang asawa.[2][3][4][5]

Sa kabuuan ng kaniyang karera, tinataguyod sa mga sulatin ni José ang katarungang panlipunan at mga pagbabago upang mapabuti ang mga buhay ng mga pangkaraniwang mamamayang Pilipino. Isa siya sa mga kinikilalang Pilipinong manunulat sa labas ng Pilipinas, bagaman hindi gaanong nabigyan ng pansin sa kaniyang bansa dahil sa kaniyang natatanging paggamit ng Pilipinong Ingles at sa mga pananaw niyang laban sa mga elitista.[2][3][4][5]

"Pinipiling tagpuan ng mga manunulat na katulad ko ang lungsod para sa kanilang mga akdang kathang-isip dahil ang lungsod mismo ang naglalarawan ng pag-unlad o kalinangan na natamo na ng isang bansa. O, sa kabilang banda, maaari rin nitong ipakita ang uri ng kabulukan, kapwa panglipunan at maaaring pangmoralidad, na dumating sa partikular na grupo ng mga mamamayan."-F. Sionil José, BBC.com, 30 Hulyo 2003 (isinalin ito mula sa orihinal na nasa wikang Ingles)[2][7]

Sariling pag-aari ni Sionil José ang Solidaridad Bookshop, isang tindahan ng mga aklat, na matatagpuan sa kalye ng Padre Faura sa Ermita, Maynila. Nagbebenta ang tindahan ng mga aklat ng mga librong mahirap hanapin at ng mga babasahing Pilipinyana (Filipiniana). Sinasabing kinahihiligan itong puntahan ng mga lokal na manunulat.[2][3][4][5]

Mga nobelang Rosales (ang Rosales Saga)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang serye na may limang-nobela ang saga ng Rosales, na sumasakop sa tatlong dantaon ng kasaysayan ng Pilipinas, na binabasa sa buong mundo at naisalin sa 22 mga wika:

Mga orihinal na nobelang kinapapalooban ng Saga ng Rosales

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba pang mga nobela

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kalipunan ng mga maikling-kuwento

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Questions (1988)

And Dula ay Isa ring Nobela (1989)

Mga sanaysay at hindi-kathang-isip

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • In Search of the Word (Palimbagan ng Pamantasan ng De La Salle, 15 Marso 1998) ISBN 971-555-264-1 at ISBN 978-971-555-264-6
  • We Filipinos: Our Moral Malaise, Our Heroic Heritage
  • Soba, Senbei and Shibuya: A Memoir of Post-War Japan ISBN 971-8845-31-3 at ISBN 978-971-8845-31-8
  • Heroes in the Attic, Termites in the Sala: Why We are Poor (2005)
  • This I Believe: Gleanings from a Life in Literature (2006)
  • Literature and Liberation (kasamang may-akda) (1988)

Mga aklat na pambata

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • The Molave and The Orchid (Nobyembre 2004)

Mga naisalin sa ibang wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa mga antolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Tong (a short story from Brown River, White Ocean: An Anthology of Twentieth-Century Philippine Literature in English ni Luis Francia, Palimbagan ng Pamantasa ng Rutgers, Agosto 1993) ISBN 0-8135-1999-3 at ISBN 978-0-8135-1999-9

Nasa mga dokumentaryong pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Francisco Sionil José - A Filipino Odyssey ni Art Makosinski, 1996[8]

Mga premyo at parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga siping ukol kay F. Sionil José

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Frankie Sionil José: A Tribute ni Edwin Thuboo (patnugot), Times Academic Press, Singapore, Enero 2005 ISBN 981-210-425-9 at ISBN 978-981-210-425-0
  • Conversations with F. Sionil José ni Miguel A. Bernard (patnugot), Vera-Reyes Publishing Inc., Pilipinas, 304 pahina, 1991
  • The Ilocos: A Philippine Discovery ni James Fallows, The Atlantic Monthly, Tomo 267, No. 5, Mayo 1991
  • F. Sionil José and His Fiction ni Alfredo T. Morales, Vera-Reyes Publishing Inc., Pilipinas, 129 pahina

Sipi ng mga pagsusuri

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • "...ang pinakanakaangat na Pilipinong nobelista sa Ingles... nararapat na mabigyan ng mas malawak na bilang ng mga mambabasa ang kaniyang mga nobela, higit pa sa maiaalok ng Pilipinas. Mababasa ang kaniyang pinaka-katangitanging gawa, ang saga ng Rosales, bilang isang paghahambing sa mga Pilipino naghahanap ng sariling katauhan..." - Ian Buruma, The New York Review of Books[10][11]

  • "Sumusulat si Sionil José ng prosang may damdaming, sa pinakamaiinit na mga sandali, humihigit pa sa kasalukuyang pangyayari..." - Christine Chapman, International Herald Tribune, Paris (isinalin ang siping ito mula sa orihinal na nasa wikang Ingles)[11][12]

  • "...Walang katapat si José sa Amerika - walang sinuman na katulad niyang sabay-sabay ang pagiging isang masipag na nobelista, ang pagiging isang tagapagtatag ng mga gawaing panlipunan at pampolitika, at bilang may-ari ng isang maliit na bahay-kalakal...Ang katauhan ni José ang nagbigay sa kaniyang ng kakayahang damhin ng lubos ang kahirapan ng bayan at hindi nabubuyo sa pagkakaroon ng masamang budhi at kawalan ng loob, hindi katulad ng mga tauhan ng kaniyang mga akda.- James Fallows, The Atlantic Monthly (isinalin ang siping ito mula sa orihinal na nasa wikang Ingles)[11][13]

  • "...Mula sa mga kuwento niyang mainam ang pagkakabalangkas, maraming matutunan ang mambabasa tungkol sa Pilipinas, sa tao at sa mga isipin nito, higit pa sa kahit anumang uri ng paglalahad pangpamamahayag o mula sa pagbabakasyon lamang doon. Dinadala tayo ng mga aklat ni José sa puso ng diwa at kaluluwang Pilipino, sa mga lakas at kahinaan ng mga kalalakihan, kababaihan, at kalinangan nito." - Lynne Bundesen, Los Angeles Times[11][14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Francisco "Franky" Sionil Jose". Buruma, Ian. The Bartered Bride, binanggit dito ni Buruma ang katagang Francisco Franky Sionil José, the foremost Filipino novelist in English…, The New York Review of Books, Vol. 36, Bilang 9, 1 Hunyo 1989, nakuha noong 17 Marso 2008
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Jose, F. Sionil. Sense of the City: Manila, BBC News, BBC.co.uk, 30 Hulyo 2003, kinuha noong 14 Hunyo 2007
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Author Spotlight: F. Sionil Jose, Random House, RandomHouse.com, kinuha noong 14 Hunyo 2007
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 Macansantos, Priscilla Supnet. A Hometown as Literature for F. Sionil José, Global Nation/Features, Inquirer, Inquirer.net Naka-arkibo 2011-07-16 sa Wayback Machine., 25 Abril 2007, kinuha noong 14 Hunyo 2007
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 Yabes, Leopoldo Y. at Judson Knight. Francisco Sionil Jose Biography, Contemporary Novelists, Volume 16, Jrank.org, kinuha noong 16 Hunyo 2007
  6. Orihinal sa Ingles: "You ask me why I write. Many of our people do not realize how important the arts are. They think writers are entertainers. But what writers do is create the cultural foundation of a nation. I want to relive our history. I want to give our people memory. My tradition is the village. My tradition is this small town. In many ways, I never really left Barrio Cabugawan."
  7. Orihinal sa Ingles: "Authors like myself choose the city as a setting for their fiction because the city itself illustrates the progress or the sophistication that a particular country has achieved. Or, on the other hand, it might also reflect the kind of decay, both social and perhaps moral, that has come upon a particular people."
  8. Makosinski, Art. Francisco Sionil José - A Filipino Odyssey, dokumentaryo, may-kulay, 28min, 16mm, nanalo ng Golden Shortie for Best Documentary sa Victoria Film and Video Festival, ME.UVIC.ca, 1996) Naka-arkibo 2007-06-11 sa Wayback Machine., kinuha noong: 16 Hunyo 2007
  9. Culture Profile: F. Sionil Jose, About Culture and Arts, Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining, NCCA.gov, 2002, kinuha noong: 16 Hunyo 2007
  10. Orihinal sa Ingles: "...the foremost Filipno novelist in English... his novels deserve a much wider readership than the Philippines can offer. His major work, the Rosales saga, can be read as an allegory for the Filipino in search of an identity..."
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 Makosinski, Art. About Francisco Sionil José, Engr.Uvic.ca, kinuha noong: 16 Hunyo 2007
  12. Orihinal sa Ingles: "Sionil José writes English prose with a passion that, at its best moments, transcends the immediate scene. (He) is a masterful short story writer..."
  13. Orihinal sa Ingles: "...America has no counterpart to Jose - no one who is simultaneously a prolific novelist, a social and political organizer, and a small scale entrepreneur...José's identity has equipped him to be fully sensitive to the nation's miseries without succumbing, like many of his characters to corruption or despair..."
  14. Orihinal sa Ingles: "...The reader of his well crafted stories will learn more about the Philippines, its people and its concerns than from any journalistic account or from a holiday trip there. José's books takes us to the heart of the Filipino mind and soul, to the strengths and weaknesses of its men, women, and culture."

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]